Yeah Yeah. Wala talaga akong experience sa pag bo-blog.
Tulad mo, isa lang din akong hamak na tagahanga ng mga blogs sa iba't-ibang blogging sites. Pero this time, ako naman ang magbibigay ng kwento sa mga katulad niyo.
Kung tatanungin niyo ako kung bakit naisipan ko na mag pagod sa pag type sa harap ng computer na 'to sa halip na nakadapa na lang sa higaan ko't nag babasa ng blog ng iba gamit ang phone ko, e di ko din alam. Basta ang alam ko, isa ang di ako napunta dito dahil napilitan lang ako. Hahaha.
Ayos din pala 'to parang diary lang. Kahit anong gusto kong isulat eh nagagawa ko. Ang kaibahan nga lang eh nakikita ito ng maraming taong nadadaan sa post na ito.Tulad mo! Hindi mo malalamang may taong nag e-exist na kagaya ko kung hindi ka nadaan sa post na 'to. Marami na din akong nabasang blogs na tulad nito na nagsasabi lang ng kung ano ang gusto nilang sabihin. Yung iba may kwenta. Yung iba naman na kagaya nito eh walang sense. (Sa ngayon.) Pero sana bigyan niyo ako ng pagkakataon na patunayang deserving ako na mag stay dito para mag sulat. (Hahaha. Parang sa PBB lang na nagmamaka-awang mag stay sa loob ng bahay ni kuya eh no?) Kung tatanungin niyo ako kung tungkol saan ang mga gagawin kong posts eh di ko din alam. Labu-labo na siguro. Pero kung may suhestyon kayong gustong iparating eh wag ng mag atubiling (BLOODY!!) i-type sa comment box. Tingnan natin kung magagawan natin ng paraan yan. Casual lang ang usapan natin dito ah? Parang nasa bahay lang o kaya naman parang tambay lang sa labas ng tindahan ni Aling Nena. Ayoko kasi ng pormal na usapan yung tipong pag uusapan niyo kung pano ibabalance ang formula na pina assignment sayo ng prof mo sa Chem o di kaya mag graph ng kung anu-ano na pinapagawa ng bigotilyo mong prof sa Math. [Wala akong bina- back stab na prof ah? Ang babait kaya ng prof ko! (Sana lang mabasa nila 'to.)]
Kani pa pala ako nag sasalita pero di pa ako nag papakilala. Ang author ng blog na ito ay Christopher G. (di tunay na pangalan. joke lang.) 18 years old (ang gusto ko dito sa blogs, pag sinabi mong 18 ka, wala silang pruwebang 18 ka nga talaga at pag sinabi mong 18 ka dito, 18 ka lang forever unless pinost mo nag nag birthday ka na. :D ) A student form. . . wag ko na lang sabihin. Nakakahiya para sa school ko na mag post ng ganitong klase blog. Baka madiscourage silang mag enroll sa school ko. Hahaha. Well, nag aaral ako sa isang state university (masasabi mong maganda ang state university na to kung sa main campus ka nag-aaral pero sa lagay ko, HINDI.) Pero proud ako sa mga prof na nagtuturo dito kasi kahit sa liit ng campus namin (halos isang building lang at isang covered court) eh masasabi mong ubod ng talino ang mga nagtuturo dito.
"Don’t let School Interfere with Your Education"
-Mark Twain
O mga kids, naintindihan niyo ba yan? Kung oo, GOOD! May star ka galing sa gwapo mong Prof Christoher G. (ako yun!). Ayon kay pareng Mark Twain, isang novelist, writer, at lecturer, wag mo daw masyadong problemahin ang pag aaral mo dahil di namn lahat ng matutunan ng tao eh nakukuha sa school. Maraming pwedeng pagkuhanan ng knowledge! Pero di ko sinabing ok lang bumagsak sa school ah? Masama yun. Sinasabi ko lang eh, may mas mahalagang bagay ang mas importante na matutunan sa labas ng school. Yan din ang gustong iparating ng ilan sa mga Prof kong ASTIG! They're trying or giving their best to teach us all they want us to learn. Iba din ang dedication ng mga gurong ito para sa mga estudyante nilang wala ng inatupag kundi mag Facebook o kaya mag laro ng Computer games and in return tayo pa ang galit sa kanila. (Teka, kanino ba talaga ako kampi at ano ba talaga ang point ko?) Hahaha. Sinasabi ko lang kung gano ako ka proud sa mga Prof ko :D
Ano pa ba ang masasabi ko sa sarili ko? (ang Vain pakinggan no?) Kung anong klaseng tao ang makikita niyo dito, kabaliktaran yon ng taong makikita niyong gumagala sa school. OO! Sa totoong buhay, di ako ganito karascal magsalita. Boring ako sa totoo lang at yun naman ang sanag di lumabas dito. Kung gano ako kaboring? Eto sample:
***FlashBack***
Simula nung grade school ako, di ako lumalabas ng room namin. (Di naman sa nagmamayabang pero nasa Fast Learner section ako napapabilang nun :D ) Wala na akong ibang kakilala bukod sa mga kaklase ko nun at ang masama pa nun, halos wala man akong kabarkada pwera sa bestfriend kong kalog. (Gawin daw ba akong kunwaring boyfriend para lang tigilan ako nung nag te-text sa kanya?) Pero nung nag highschool na kami, nahiwalay na ako ng section sa kanya.(Pero pareho paring nasa Top Sections) As usual, back to zero. Halos wala din akong kakilala noon kaya kailangan kapalan ko ang mukha para lang maka survive. (Kumo-kopya kasi ako ng assignments eh :D ) So ayun, hanggang nung nag 4th year kami,imrpoving naman ang social skills ko at nagka best friend na kapareho kong Vain! Hanggang sa may nagustuhan akong babae. (Skip na natin ang ibang details ah?) Sa sobrang boring ko eh binasahan ko siya ng poem. (Sweet noh?) Pero di ako yung gumawa nung tula. (FAIL!) Since nag eenjoy ako mag basa ng mga tula noon eh binasahan ko siya ng tula ni Edgar Allan Poe.
The poem goes like this:
It was many and many a year ago,
In a kingdom by the sea,
That a maiden there lived whom you may know
By the name of ANNABEL LEE;
And this maiden she lived with no other thought
Than to love and be loved by me.
I was a child and she was a child,
In this kingdom by the sea;
But we loved with a love that was more than love-
I and my Annabel Lee;
With a love that the winged seraphs of heaven
Coveted her and me.
And this was the reason that, long ago,
In this kingdom by the sea,
A wind blew out of a cloud, chilling
My beautiful Annabel Lee;
So that her highborn kinsman came
And bore her away from me,
To shut her up in a sepulchre
In this kingdom by the sea.
The angels, not half so happy in heaven,
Went envying her and me-
Yes!- that was the reason (as all men know,
In this kingdom by the sea)
That the wind came out of the cloud by night,
Chilling and killing my Annabel Lee.
But our love it was stronger by far than the love
Of those who were older than we-
Of many far wiser than we-
And neither the angels in heaven above,
Nor the demons down under the sea,
Can ever dissever my soul from the soul
Of the beautiful Annabel Lee.
For the moon never beams without bringing me dreams
Of the beautiful Annabel Lee;
And the stars never rise but I feel the bright eyes
Of the beautiful Annabel Lee;
And so, all the night-tide, I lie down by the side
Of my darling- my darling- my life and my bride,
In the sepulchre there by the sea,
In her tomb by the sounding sea.
OO, tinapos ko yang basahin na para bang ewan. Eh memorize naman niya yan kasi nirequire sila ng teacher para sa event ata sa school. Tsk. Kung alam niyo lang ang tono ko nung binabasa ko yan, Para bang kung sino akong magaling eh mali-mali namn yung diction ko sa ibang salita. (Dala na din ng hiya.)
*Notice: Mga kids, wag niyo gagayahin yung ginawa kong pangongopya ng assignments ha? Bad yun :D
***Back to Reality***
Nakakahiya. Pero ganun talaga. E sa iba-iba ang pag katao natin eh bakit ba? Walang basagan ng trip. Hahaha. Pero seryoso, baring talga ako though improving na din communication and social skill ko. Hopefully, masabi ko din ang mga gusto kong sabihin, tulad ng ginagawa ko ngayon, sa totong buhay.
Narealize ko lang, walang ka forma-formality nitong blog ko. Parang draft ko lang sa Communcations. Hahaha. Siguro hanggang dito muna, makikilala niyo pa naman ako sa mga magiging posts ko dito eh. Gamitan niyo na lang ng konting Psychology, Ok na yun :)
Kung may gusto kayong itanong o gustong talakayin (napaka tagalog ko. Hahaha.) Magcomment lang kayo :)
To all the Readers, Thank you and. . .

nice dan!!!!! first commentor mo.Sige ngayong 2012 simulan mo ang pagbablog... :)0
TumugonBurahin